Mesopotamia sa Kasalukuyan
Ang
Mesopotamya (Griyego: Μεσοποταμία, isinalin mula sa Sinaunang Persiko na Miyanrudan
"ang Lupain sa pagitan ng mga Ilog"; sa pangalang Aramaic na Beth-Nahrain "Bahay sa
Dalawang Ilog"), ay isang lugar sa Timog-kanlurang
Asya.Ito
ang Iraq at kanlurang Syria sa kasalukuyan. Sa isang mahigpit na pananalita,
ito ang kapatagang alluvial na matatagpuan sa
pagitan ng mga ilog ng Tigris at Euphrates, binubuo ng mga
bahagi ng Iraq at Syria. Sa mas
pangkaraniwang gamit, kabilang sa termino ang mga ilog kapatagan nito sa
kabuuan at kasama din ang mga napapaligirang teritoryo ng Disyerto ng Arabia sa kanluran at
timog, ang Gulpo Persiko sa timog-silangan,
ang mga
Bundok ng Zagros
sa silangan at mga bundok ng Caucasus sa hilaga. Kilala
ang Mesopotamya bilang ang lugar ng ilang sa mga pinakamakasaysayang kabihasnan
o sibilisasyon sa daigdig.
Ang
mga kasulatan mula sa Mesopotamya (Uruk, makabagong Warka) ay ilan sa mga kilalang pinakaunang
kasulatan sa daigidig, nagbibigay sa Mesopotomya ng isang reputasyon sa
pagiging "Duyan ng Sibilisasyon".
Kapantay ng mga kasulatang Sumeryong ito ang mga hieroglyph ng Ehipto, at ilan sa mga mas
matandang kilalang sulat, marahil itinituring bilang pagsusulat na proto
(Porma ng
sulat ng Sinaunang Europeo), Naqada. Nasasakop ang Mesopotamya ng malawak ng
Fertile Crescent - isang rehiyon sa kanlurang asya na may matabang lupain at
angkop sa pagsasaka.
http://xenontics.blogspot.com