LUHA NG BUWAYA
ni Amado V. Hernandez
Kagagaling ni Bandong, guro sa Sampilong, sa opisina ng Superintendente
sa kabisera ng lalawigan sapagkat tinagubilinan siyang manuparang
pansamantalang prinsipal sa kanilang nayon samantalang nagbabakasyon ang
talagang prinsipal, si Maestrong Putin. Dinalaw ni Bandong si Pina, ang
pinakamagandang dalaga sa nayon at anak ni Mang Pablo na pangulo ng PTA at
sinusuyo ni Bandong, upang makipagbalitaan at magpalipad-hangin ukol sa kanyang
pag-ibig. Nalaman ni Bandong na may pabatares sa pagapas kinabukasan sina Mang
Pablo. Sa gapasan, nagin masaya ang mga manggagapas kahit na lumabas si donya
Leona Grande, ang may ari ng pinakamalawak na lupang sakahin sa Sampilong.
Napakahigpit na kasama si donya Leona.
Nang ipaghanda sa bahay-asyenda ang
dalawang anak ni donya Leona, si Jun na nagtapos ng medisina at si Ninet na
nagtapos naman ng Parmasya, ang mga kasamang babae at lalaki ay hugos din sa
bahay na bato sa pagtulong sa mga gawain at sa pagsisilbi sa mga panauhin.
Naganap sa kasayahang ito ang kaguluhang kinasangkutan ni Andres, isang
eskuwater na nakatira sa pook na tinaguriang Tambakan. Nagawi sa Sampilong si
Andres mula sa Maynila noong panahon ng Hapones sa pagkat natandaang sinabi ng
yumaong ina na may kamag-anakan sila sa Sampilong. Nang matapos ang digmaan, si
Andres at ang kanyang mag-iina ay hindi na nagbalik pa sa Maynila.
Nakilala nang lubusan ni Bandong si
Andres nang ipinapasok nito sa grade one ang anak na sampung taon. Inamuki ni
Bandong si Andres na magtayo ng cottage industries sa kanilang pook ng mga
eskuwater ngunit pagkatapos lamang na ayusin at linisin nila ang kanilang pook.
Pumayag si Andres at ang mga eskuwater sa mungkahi ni Bandong.
Bumuo ng isang samahan ang mga
magsasaka at si Bandong ang tagapayo nito. Isinumbong ni Dislaw, ang engkargado
at badigard ni don Severo Grande, ang unyon ng mga magsasaka. Ikinagalit iyon
ni donya Leona lalo na nang tanggapin nito ang manipesto ng mga kahilingan ng
mga magsasaka. Tumanggi si donya Leona sa mga kahingian ng mga magsasaka at ang
mga ito naman at tumangging gumawa sa kanilang mga saka.
Samantala ay nalinis at naayos nina
Andres ang pook ng mga eskuwater at tinawag nilang Bagong Nayon. Sa tulong ni
Bandong, lumapit sila ni Andres sa Social Welfare Adminitration. Nakailak sila
ng pondo mulsa sa mga kanayon at sinimulan nilang itayo ang kooperatiba ukol sa
industriyang pantahanan.
Ngunit ang Bagong Nayon ay
sinimulang kamkamin ni donya Leona. Pagkatapos kausapin ang huwes ng bayan,
isinampa ng mga Grande ang habla at ang ginamit na tanging ebidensya ay isang
lumang dokumento ng pagmamay-ari. Kinasapakat din ni donya Leona ang alakalde
na pinsan ni don Severo at ang hepe ng pulisya na inaanak naman sa kasal ng
mag-asawang Grande.
Lumaban ang mga eskuwater sa
pamumuno ni Andres. Ang samahan ng mga magsasaka at ang kooperatiba ng mga
eskuwater ay nagsanib at sa tulong ni Bandong, sila ay nakakuha sa Maynila ng
isang abogadong naging kaibigan ni Bandong noong nag-aaral pa siya sa Maynila.
Sa isang pagkakataon, nakatagpo ni
Andres si Ba Inten na pinakamatandang tao sa nayon. Sa Pagtatanong ni Andres sa
matanda, natiyak ni Ba Inten na si Andres ay apo sa tuhod ng yumaong mabait na
Kabisang Resong ng Sampilong. Mayaman sa Sampilong ang nuno ni Andres ngunit
nang mamatay ito ay napasalin sa mga magulang ni donya Leona ang mga aring lupa
nito. Nagawa ng mga Grande na palitawing ibinenta sa kanila ni Kabisang Resong
ang lupa nito bago namatay. Sa pagtatanong ni Andres sa kanilang abogado, nalaman
niyang maaari pa niyang habulin ang lupa at papagbayarin ng pinsala ang mga
Grande.
Sa utos ni donya Leona, naigawa ng
kasong administratibo si Bandong. Si Dislaw na karibal ni Bandong kay Pina at
si Hepe Hugo ng pulisya ang nakalagda sa sumbong. Nang dumating ang pasukan,
isang bagong prinsipal, si Mr. Danyos, ang dumating sa Sampilong.
Noon sinagot ni Pina si Bandong.
Pinagtangkaang halayin ni Dislaw si Pina. Mabuti na lamang at dumalaw si
Bandong na kung hindi naawat ng mga dumalo ay baka napatay si Dislaw. Sa
nangyari, pinaluwas ni donya Leona sa Maynila si Dislaw.
Sa gabi, lihim na ipinahakot ni
donya Leona sa mga trak ang mga palay niya sa kamalig at ipinaluwas sa Maynila
upang ipagbili sa intsik doon. Isang umaga nagisnan na lamang ng Sampilong na
nasusunong ang kamalig ng mga Grande. Ibinintang ang pagkasunog ng kamalig sa
mga pinuno ng unyon ng mga magsasaka at sa mga pinuno ng koopertiba ng mga
eskuwater. Salamat na lamang at ang mayordoma sa bahay ng mga Grande, si Iska,
ay nagalit kay Kosme na mangingibig niya at siyang inutusan ng donya na sumunog
sa kamalig, dahil sa hindi siya ang isinama ni Kosme sa Maynila kundi si Cely
na kapatid ni Dislaw. Ipinagtapat ni Iska kay Sedes na asawa ni Andres ang
lihim at ipinagtapa naman ni Sedes ka Badong.
Nahuli si Kosme at umamin sa kasalanan. Isinugod pa n Andress ang
paghabol sa hukuman sa lupa niyang kinamkam ng mga Grande. Dahilan sa
kahihiyang tinamo, hinakot ng mga Grande sa Maynila ang mga kasangkapan at doon
na nagpirmi. Sa Maynila, si Donya Leona ay nagkasakit ng alta presyon at naging
paralisado nang maataki. Si Don Severo naman ay nagkasakit ng matinding
insomya.
Samantala, napawalang saysay ang hablang administratibo laban kay Badong at tiniyak ng Superintende na siya ang ilalagay na prinsipal sa Sampilong sapagkat aalisin doon si Danyos dahil sa hindi makasundo ng mga guro at mga magulang ng mga bata.
Namanhikan sina Badong kina Pina at may hiwatig na siya ay ikakandidato pang alkalde ng kanyang mga kanayaon sa susunod na halalan.
Samantala, napawalang saysay ang hablang administratibo laban kay Badong at tiniyak ng Superintende na siya ang ilalagay na prinsipal sa Sampilong sapagkat aalisin doon si Danyos dahil sa hindi makasundo ng mga guro at mga magulang ng mga bata.
Namanhikan sina Badong kina Pina at may hiwatig na siya ay ikakandidato pang alkalde ng kanyang mga kanayaon sa susunod na halalan.
http://xenontics.blogspot.com/